ZNC/phl
Ito ay magpapakita ng gabay kung paano ang pag-access ng mga user sa kanilang ZNC account na naka-host sa SHellium o iba pang ZNC account.
Contents |
Configure ZNC
- Mag-log in sa iyong ZNC account gamit ang iyong username at password shell sa iyong web browser:
https://shellium.org:8012 Kung makita mo ang prompt na nagsasabing invalid ang cetificate, tanggapin lang ito.
- Idagdag ang IRC server, at isang channel para maiugnay ang bouncer.
Ang default na port ay 6667 ngunit kailangan mo tukuyin ang port matapos ang server ONLY kung nais mong iugnay sa ibang port.
Paki-tandaan na ang ZNC ay maaari lamang kumabit ng isang beses sa isang server
Kapag natapos mo na ang mga hakbang sa itaas, ang bouncer ay kusang kakabit sa channel o sa mga channel na nakalista.
Pagkonekta sa ZNC
Text Clients
Ang mga Client na tulad ng irrsi, IRC, BitchX, at iba pa ay dapat na iugnay ang mga bouncer sa paraang inilarawan sa ibaba. Ang mga graphical Clients ay maaari ding gamitin ang parehong command sa ibaba upang kumabit.
Ilunsad ang inyong IRC client.
- Upang kumabit sa iyong ZNC i-type
/server 207.192.71.172 8010 yourshellusername:yourshellpass
- Ang utos sa ibaba ay magbibigay-daan sa iyo upang kumabit sa bouncer sa SSL sa port 8011
/server 207.192.71.172 +8011 yourshellusername:yourshellpass
Ang + na sign bago ang port number ay nagbibigay-daan ng tibay sa pagkakabit sa pamamagitan ng SSL.
Graphical Clients
Xchat
Ang mga Xchat user ay dapat magdagdag ng bagong network at ipasok ang kanilang mga shell name at password upang kumabit sa bouncer na walang pagbibigay ng commands.
- Ilunsad ang Xchat at pindutin ang Ctrl + S upang makita ang Network List dialogue box
- I-click ang add at ang pangalan ng network ng isang bagay na kayo lang ang makakaalala tulad ng shelliumznc
- Palitan ang bahagi na nagsasabing
nameserver/6667sa ibaba
207.192.71.172/8010
- Ang mga User na gusto mong gamitin ang SSL ay dapat sundin ang mga sumusunod na mga entry sa halip na shellium.org/8011
- Huwag piliin ang kahon na nagsasabing User global user information
- Ipasok ang iyong shell login name sa Username na bahagi at ang iyong password sa Server Password na bahagi
- Kung nais mong gamitin ang SSL mangyaring piliin ang mga sumusunod na mga kahon:
- Use SSL for all the servers in this network
- Accept Invalid SSL Certificate
- Kung nais mong gamitin ang SSL mangyaring piliin ang mga sumusunod na mga kahon:
mIRC
Ang mga mIRC user ay maaring kumabit manually gamit ang mga utos na nakalista sa taas o idagdag ang bouncer sa server.
- Ilunsad ang mIRC at pindutin ang Ctrl+O para makita ang mga pagpipilian,
- Pumili ng mga server sa ilalim ng Connect at pindutin ang Add
- Maglagay ng maglalarawan na maari mong gamitin, Itakda ang IRC server.
207.192.71.172:8010
- Ang mga user na gusto gumamit ng SSL ay dapat sundin ang mga sumusunod na entry sa halip na
207.192.71.172:+8011
- Magtakda ng grupo para maihiwalay it sa ibang network.
- Sa password box, ilagay ang iyong your shell username at shell password ng ganito.
yourshellusername:yourshellpass
- Pindutin ang Add at piliin ang new entry sa listahan at pindutin ang Select. Mapapahintulutan kang pindutin and Connect icon sa toolbar para kumabit sa hinaharap.
Kapag nakakabit ka na, maaari mong ma-control ang iyong bouncer sa pamamagitan ng utos. Basahin ang mga External Links na bahagi sa ibaba para sa isang listahan ng lahat ng mga utos.