SHellium:About/phl
Ano ba ang SHellium?
Ang SHellium ay isang libreng serbisyo sa gumagamit na maka-akses sa shell accounts.
Narinig kong para sa mga hackers itong shell...totoo ba 'to?
Ang SHellium ay hindi nagpapahintulot ng iligal na gawain tulad ng blackhat hacking at cracking, subalit ang mga hacker na nasa wasto ay napapayagan. Pinapayagan namin ang lahat na maka-akses sa aming shell ng may kakaunting katanungan, kung anuman. Ang Vulnerability scans at background processes ay napapatakbo sa SHellium ng walang bayad. May iilan na tinuturing itong hacking subalit pinapayagan namin ang freedom of expression hangga't ito ay naaayon sa batas.
Bakit hindi ako makapasok sa shell?
Dahil hindi ka pumasok sa #shellium ng freenode para mai-activate ang iyong shell account. Ang pagrehistro ay magpahintulot sa'yo na makapasok sa site, pero gusto naming makipag-usap muna sa'yo ng saglit bago ka namin bigyan ng lubusang pahintulot sa pagamit ng aming shell.
Bakit hindi kayo nagpapabayad tulad sa lahat ng iba pang serbisyong online?
Salawikain ng SHellium ay Libreng Shells sa Lahat; ibig sabihin nito ay naniniwala kami sa pagtulong sa kapwa naming shell users maski gumamit man sila ng Windows, Linux o Mac OS. Pinakamagandang paraan para sa mga users na matuto ay ang pag-alok sa kanila ng libreng serbisyo para sila'y matuto ng malaya. Tutulong balik rin sa komunidad ang aming mga users sa hinaharap sa paglahok sa Open Source, mga proyekto ng GNU tulad nito.
Na-hacked ba ang SHellium noong Hunyo ng 2008?
Hindi, hindi na-hacked ang SHellium pero aaminin namin sa lahat kung kami man ay na-hacked, at magbibigay kami ng buong detalye kung paano 'yon naisagawa. May maraming sumubok sa root access at marami sa mga user ay na-terminate ang kanilang account sa pagsagawa ng bagay na labag sa aming Terms of Service.
Saan ba ang libreng bnc?
Guys, kahit saan lang ang bnc. Nag-aalok kami ng ZNC, psybnc at sa hindi magtatagal sbc para ang aming mga user ay hindi na mahirapang gumawa ng mahihirap na programs at nakakabaliw na mga configuration. Pinapatakbo namin ang mga bouncer sa ilang mga ports, kakailanganin nyo'ng magbasa sa aming Wiki o magtanong sa #shellium sa irc.freenode.net. para malaman.
Bakit hindi ako maka-konek sa irc gamit ang port 6667?
Hinarang ng dating ISP ng SHellium ang port 6667. Subalit, ito ay hindi na ang kasi dahil lumipat na ng bagong datacenter and SHellium. Ang lahat ay dapat gumagana na. Kung hindi, maaring kumontak ng isang Support Team member.
Narinig kong pinamumunuan daw ng mga super hero at movie star ang system na 'to...totoo ba 'yan?
Tama, 'yan ay pawang katotohanan; si Superman, James Bond at Captain Crunch ang nagpapatakbo ng system 24/7.