Help:Tutorial Talk, History and Watching/phl
| Front page | Naming Policy | Creating and Editing | Formatting | Links | Talk, History and Watching | Images and Tables | Moving and Deleting |
Ang discussion tab
Ang discussion tab ay nasa kaliwa ng edit tab. Bawat wiki page ay mayroong sariling discussion page. Ang pahinang ito ay may nakahiwalay na edit section at history. Gamitin mo ang pahinang ito para magsulat ng pananaw mo sa nilalaman at para pagdiskusyonan kung ano man ang dapat na baguhin. Isipin mo ito na parang forum na nagtatalakay sa mga dapat baguhin sa isang pahina.
Nakaugalian ng mag sign ng iyong discussion post. Gagawin mo ng pag lagay ng apat na tilde (~~~~) pagkatapos ng iyong post. Nagsasabi ito sa wiki na idagdag ang iyong pangalan at time stamp sa iyong post.
Ang history tab
Ang tab na ito'y nasa kanan ng edit tab sa isang pahina. Gamit ito, mabro-browse mo ang mga version ng history sa isang partikular na pahina, pagkakaiba sa bawat version at ang pag-revert sa mga pagbabago. Kung sakali ay nakagawa ka ng mali ito ang paraan para e-undo ang malaki mong pagkakamali.
Ang mga pagbabago ay nakaimbak sa kanikanilang summary lines. Ito ang dahilang kung kaya'y kelangan mong magsali ng isa 'pag nagsi-save ng pahina, para mas madali mong maintindihan ang mga nagawa mo.
Pagbabantay sa isang pahina
Pwede kang maglagay ng pahina sa iyong watch list sa pag-click ng watch button na nasa taas ng pahina. Ang mga binabantayan mong pahina ay makikita sa iyong watchlist. Kung may magbabago sa mga pahina na iyong binabantayan, ipapaalam nito sayo ng masubaybayan mo ang mga mga nagugustuhan mong artikulo.